formspring me. ask a question and i’ll answer it..
http://www.formspring.me/basaganngmuka
Video scandal
It’s automatic
Pag may group o solo na nagpapa-piktyur, palagi may isa na magsasabing “o pang facebook, pang facebook” (pang friendster, pang friendster)
Pag may nagbi-video naman, palagi may isang magsasabi nang “O scandal o… scandal”
- Edited
LUTO
Dude 1: tsong, nood kayo mamaya, championship game na namin..
Dude 2: wag na, matatalo naman kayo e
Dude 1: kami pa. lampaso aabutin samin nun.
Kinabukasan…
Dude 2: ano tol, balita? nanalo ba kayo?
Dude 1: pota pre, luto. Yung referee madikitan lang yung balahibo ng kalaban foul na, kami halos pilay-pilay na wala pa rin foul..
hehehehehe.. bakit sa mga contest o game pag talo palaging sinasabi “LUTO”… dami palaging dahilan..
pag talo, talo na.. move on na dapat di b?
LOL
Ingat
“cge tol, sibat na ko”
“ingat bro ha”
normal na saten yun pagsasabing “ingat” kung may aalis na kabarkada, asawa, girlfriend o anak. Pero kung halimbawa nagko-commute ka naman, paano ka mag-iingat? Pano kung kaskasero yung jeepney driver? yung bus driver? Kung may bumangga sayo? Pano kung biglang bumagsak yung sinasakyan mong eroplano o lumubog yung sinasakyan mong barko, pero sa sarili mo sobrang nag-iingat ka naman..kung ganun, effective pa rin ba yung salitang “ingat”? o nakasanayan na lang?
Driver sa gabi, Attorney sa umaga..
Minsan ginabi kami sa paggawa ng Marketing plan para sa subject na Marketing Management, pauwi ng bahay sumakay ako ng jeep papuntang LRT station, mga 10:30pm na yon.
Nagbayad ako ng sais (P6.00) “Manong, bayad o, estudyante lang”.
Sabi ng driver “Gabing-gabi na estudyante pa rin”.
Sa sobrang pagod, uminit agad yung ulo ko at sinagot ko ang driver ng “Baket kayo manong?, Pag umaga ba di na kayo driver?”
How to be a good basketball player?
Naniniwala ka ba na ang mga basketbolistang di makaiskor sa laro ang palaging palusot e “more on depensa kase ko e”. haha. Sabagay, totoo naman na iba ang nagagawa ng depensa sa game pero sa tingin nyo totoong defensive player lang talaga sya o palusot lang dahil di nya matanggap na bano o sapaw sya sa iba pagdating sa basketbol. Pampalakas loob lang ba yung pagsasabi nyang focus sya on defense at hindi sa pag-iskor?
I-comment mo na lang kung ano ang sa tingin mo.
Ayos?
Walang TV ang mga “HOLDAPERS”….
Dahil parating uso ang holdapan: sa jeep, sa bus, sa kalye, may mga napapanuod ako sa TV, grupo sila na nagtuturo ng mga tamang self-defense pag ikaw ay minalas na maholdap o parang yung tipong ‘What-to-do” kung sakali mang isang gabi e biktimahin ka ng mga holdapers.
Ang daming klase ng self-defense, iba’t-ibang paraan depende sa sitwasyon, posisyon o lugar. Okay okay, epektib, maganda yan, no doubt.
Pero tanong ko lang………..
Yung mga holdapers ba hindi nanunuod ng TV? Pano kung napapanuod din nila yung itinuturo nyo?
Ikaw, ano sa palagay mo?
5 easy steps to develop abs
Talaga tong mga taong to o. Sobrang conscious sa mga katawan nila. Todo diet, di nagra-rice. Workout ng workout. Mga kwento puro na lang “Syet, di ako nakapag jogging kanina, lakas kase ng ulan e”. Yung comment puro “Tol, ‘taas carbo nyan”. Sila yung mga target sa buhay e yung magka-abs. Well, wala naman saken kung gusto mo tumira sa gym o ano, ano ba pakelam ko. Lol. Wala lang, napansin ko lang kase sa kanila at hindi ko maintindihan kung baket…….
Taeng-tae sa pagpapalaki’t pagpapaganda sa mga katawan nila, ampapanget naman ng mga pagmumukha. Lol.
Sa mga nagmomotor……
Naranasan nyo na ba? Yung sumingit kayo sa kalsadang overcrowded ng mga sasakyan at muntik na kayo tumama o mahagip ng kotse? Kung OO, malamang nasigawan na kayo ng “HUUYY!!” ng driver ng kanino mang private car na yun habang nilalampasan ka nya at lumilingon pabalik sayo….
Sa mga may kotse o kaya naka-taxi
kung bumper to bumper yung trapik at sa likod mo may sasakyang busina ng busina kahit alam naman nyang hindi aandar yung mga sasakyan sa unahan kahit maupod yung daliri nya kakapindot, alam ko initial reaction mo sa ganyang sitwasyon. Titingin ka sa sasakyan sa likod sabay dialogue ng….. “Lumipad ka, gago!!”.
Comments (1)