Don’t know me? I’m popular

Ano kaya ang feeling? Gusto kong sumikat e. Pero gusto ko syempre yung maangas yung datingan. Ayaw ko yung tipong sisikat ako dahil pinagtatawanan ako ng marami, mala-Janina ba, hasel yon tsong. Kakahiya.  Basta, ayaw ko naman yung sikat na sikat ala-Richard Gutierrez, yung easy2x lang dapat, yung tipong naglalakad ka sa mall, pinagtitinginan at pinagbubulungan ka ng mga kinikilig na girls. Syempre yung dating mo dapat medyo suplado ng konti. Ayos yun.

Ewan, pogi naman ako sabi nung ex ko. After nga nya sabihin yun nagpabili sya saken ng havaianas e. Pero noon yung uso pa yung Friendster, walang ibang nagko-comment saken at nagbi-view kundi si gf. Pero yung mga barkada kong ampapanget naman at squatter na naghi-hiphop-hiphop, araw-araw 50 new comments ang nare-receive. Sauce. Ang yayabang ng mga feeling gwapings na mga to. Sasagot pa yang mga yan ng “Ei, tnx 4d compliment. Kip supporting our group”, “Labas na new album namen, suportahan nyo mga kapatid”. Naks, parang celebs lang a. Buset!! Ngayon sa Facebook, gnun pa den. Wala man lang nagpo-post sa mga ‘What’s on your mind’ posts ko, witty naman. Katawa nga mga punchlines ko dun e pero walang pumapansin, meron naman pala, si gf.. Again and again. Haayz, pero minsan nga mas mahaba at mas pinag-isipan pa yung mga comments ni gf sa mga friends nya kesa saken. Haayz. At itong magaling kong kaibigan, nagpost ng graduation pic nya. Aba aba, ang comments ng mga tao sunod sunod. May ‘Congratz” , merong “ayos to, painom ka na”, “ang galing galing mo naman”, “im proud of you”, “astig…’ at Blah blah blah blah. Bat ganon? Isang panget na mukha sa picture ganon karami ang mare-receive mong comments? And most of the comments galing pa sa mga chix, buti sana kung sa mga lalaki lang, kaso may mga girls, oh girls, why o why.

Now, wondering why ganun kainit ang attention sa kanya ng mga tao? Sikat kase sya, sa hiphop world, rapper sya e (bat kaya pag sinabing rapper, common joke e taga-balot.. korni na yun db?) and yes, affiliated din naman sa hiphop  yung mga nagkomento dun (e kung hindi, may papansin ba sa gagong to), e baket ba, mga hot chix kaya mga babae dun.

Anyways, pa-post post pa ng picture tong kolokoy na to, Oi, ang tanda mo na kaya tapos ngayon ka lang grumadweyt? mahiya ka naman sa balat mo tsong, tsaka ampanget mo e. Bat sayo ang dameng pumansin, saken wala? Gago ka pala e!

Guys, gusto ko rin sumikat. Pasikatin nyo naman ako o. Haha. Bitter!

5 comments so far

  1. violetauthoress on

    ayos a… tamang bitter ba — haha!

    kung ganyan ang sitwasyon, yaong si gf/ex-gf lamang ang nagko-comment, malamang hindi ka pang-masa:
    1.) walang utak masa — yaong utak na nakakulong sa kahon ng shitty stereotypes
    2.) walang ugaling masa — yaong ugaling sunod ng sunod sa uso, kahit madalas ang uso’y tamang nonsense naman… yaong ugaling nagpapabobo at nagpapagago sa iba

    Dahil wala ka ng numbers 1&2, congrats dude! ‘Di bale nang hindi popular gaya ng boyband. Mainam na ‘yang ganyang medyo low profile kaysa maging plain nonsense

    Pansin mo ba, sa blogsphere marami ring ganyang eksena… mas pinuputakti pa ng comments ang chatboxes at comment boxes ng mga blogger na panay walang kakwenta-kwenta naman ang pinagtititipa… pano, panay ronda sa blogsites ng may blogsites, sabay type ng ganito: “Hi nice blog, ex-links?” — anak-ng!! May variations pa ‘yang ganito: “Hi, visiting you, visit back” — at bakeet?! okaya ganito: “Hi. Bloghopping today” — e anong pakialam ko?! Ang siste e ni hindi nga nila binabasa post ng nirorondahan nila! Nakakabastos ‘yun a.

    Nga pala, hindi pa ako nagpapakilala, ako si violetauthoress ng “Silip…” at hindi ako magpapaka-sweet para lang matuwa ka sa’kin ^_^

    Ang totoo n’yan, nagustuhan ko ang mga tinitipa mo. Pihadong susubaybayan na kita mula ngayon dahil naaaliw ako sa Basagan ng Mukha!

    Sa uulitin tsong!

    • basaganngmuka on

      haha laftrip yun dude. lol. Wala yun pinagkaiba nung uso pa testi sa Friendster “elow pfoe ate, testi pfoe”.

      Salamat sa pagbabasa. Gang sa susunod.

      • violetauthoress on

        Haha, hindi ko inabot ‘yung testi craze sa friendster… buti na lang! Late na kasi ako nagkaroon ng friendster account kasi hindi naman ako mahilig maggaganon.

        walang anuman ^_^ marami pang susunod

  2. KING on

    perfectly said! nsasabi mo ng maayos ang mga naoobserve mo. cool haha o ayan kilala na kita


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.