Sa mga nagmomotor……
Naranasan nyo na ba? Yung sumingit kayo sa kalsadang overcrowded ng mga sasakyan at muntik na kayo tumama o mahagip ng kotse? Kung OO, malamang nasigawan na kayo ng “HUUYY!!” ng driver ng kanino mang private car na yun habang nilalampasan ka nya at lumilingon pabalik sayo….
Sa mga may kotse o kaya naka-taxi
kung bumper to bumper yung trapik at sa likod mo may sasakyang busina ng busina kahit alam naman nyang hindi aandar yung mga sasakyan sa unahan kahit maupod yung daliri nya kakapindot, alam ko initial reaction mo sa ganyang sitwasyon. Titingin ka sa sasakyan sa likod sabay dialogue ng….. “Lumipad ka, gago!!”.
asal ‘yan ng mga taong may utak pero hindi ginagamit. nakakadagdag perwisyo lang ‘yang mga pagbusi-businang ganyan, wala namang mabuting dulot.
bihira ako sa lansangan, at hindi ako motorista kaya hindi ko pa masasabi ang linyang “lumipad ka gago!” any time soon.
you could hear that line kahit sa mga kasakay mo sa jeep, taxi o kotse..
honga, at ‘yung marami pang versions nun
s’werte ko na lang talagang lahat ng kailangan kong puntahan sa araw-araw ay may layong kaya namang lakarin… kaya polusyon lamang at hindi traffic ang aking pinagdudusahan — parusa pa rin