I’m Richard Domez.. kamag-anak ko si Richard Gomez
Pansin mo rin ba? Pag may bagong sumisikat na personality, mapa showbiz, reality shows, artista search, or singer, dancer, politician..etc.. Yung kaibigan mo palaging “Ay sya, barkada yan ng pinsan ko e”. “Kilala mo yung nasa PBB, kaklase ko yun nung high school e’. Minsan gagawan pa yung personality ng tsismis courtesy of your feeling close kaibigan, “Sus, si Marian?! bitch bitch naman yun e, ex-girlfriend yun nung pinsan ng barkada ko”. Meron pang “Si Jake? ang panget kaya dati nun, kaya di ko yun sinagot nung niligawan ako e”. Aba aba, at anong feeling mo? You’re one of them? It’s a bitch move when you try jumping on their stardom. Not unless, kapatid ka, or current bf/gf nung taong yun, pero man, hipag ka ng pinsan na barkada nung dating kalaro sa basketbol ni Gerald Anderson. Sauce. Basta maging bida ka lang sa kwento at paningin ng mga barkada mo huh. Lol. Pero okay lang yan related din naman ako sa taong super sikat just like you. feeling mo ikaw lang? no way, di ako papayag. Alam mo bang……………
Girlfriend ko yung pasahero kahapon sa taxi na dina-drive ng bayaw ng dating driver ni Dennis Roldan?
LOL.
honga… nag-aabala pa talaga, akala mo naman ikayayaman nila yang ganyang klase ng pagpapasikat sa sarili.
patunay na maraming intrigera’t intrigero sa mundo… maraming chismosa’t chismoso