Ingat
“cge tol, sibat na ko”
“ingat bro ha”
normal na saten yun pagsasabing “ingat” kung may aalis na kabarkada, asawa, girlfriend o anak. Pero kung halimbawa nagko-commute ka naman, paano ka mag-iingat? Pano kung kaskasero yung jeepney driver? yung bus driver? Kung may bumangga sayo? Pano kung biglang bumagsak yung sinasakyan mong eroplano o lumubog yung sinasakyan mong barko, pero sa sarili mo sobrang nag-iingat ka naman..kung ganun, effective pa rin ba yung salitang “ingat”? o nakasanayan na lang?
it’s the thought that counts?? -whatever… kung alam mong sinsero ‘yung taong nagsabi ng “ingat”, kaka-touch ‘yun s’yempre kasi alam mong nais ka niyang maging ligtas — nais ka pa niyang mabuhay! parang anti-aswang amulet ang salitang “ingat” — people could only hope for the best for their loved ones.
pero kung wala naman paki sa’yo ‘yung taong nagsabi, malamang sinabi n’ya lang ang “ingat” as a parting word… parang “ba-bye” sa telepono bago tuluyang mag-hang-up.
personally, mga ka-close ko lang ang sinasabihan ko ng ingat — kahit alam ko namang karamihan sa kanila’y matatanda na at kayang-kaya nang alagaan ang mga sarili ^_^
siguro it’s just a sign of courteousness.. yun na nga siguro..
)
pero pag hinahatid ako ng friends ko sa terminal ng jeep, sinasabihan talaga nila yung driver ng jeep na sasakyan ko na mag-ingat. hahaha!